Karanasan ng mga Pilipino sa panahon ng Pandemya

Karanasan ng mga Pilipino sa panahon ng Pandemya


Sa kasalukuyang panahon, maraming mga Pilipino ang nawalan ng ganang mamuhay o nawalan ng motibasyon upang gawin ang mga gawain na kanilang ginagawa noon na hindi na nila magawa sa kasalukuyan. Dahil sa pagkalat ng sakit na Coronavirus sa halos buong daigdig, maraming pamumuhay ang nasira. Mga hanapbuhay na mayroon tayo ay biglang tumigil dahil sa biglang pagsara ng ating pinagtratrabauhan at may mga kompanya na nagtatanggal ng mga trabahador dahil sa walang kakayahan na swelduhan sila. 

Bakit nga ba tayo nakakaranas ng Pandemya? Ano ang coronavirus? At saan ito nanggagaling?

Coronavirus

Noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia na hindi pa gaanong kilala sa Wuhan, China at naireport sa WHO. Napag-alaman na lamang na ang outbreak ay dulot ng isang uri ng virus na tinatawag na Coronavirus. Ang Coronavirus na ito ay karaniwang natatagpuan sa mga hayop lamang, at hindi pa nakita sa mga tao noon. Ito ay isang tipo ng mga viruses na nagdudulot ng lagnat, at sa ilang kaso, nagiging sanhi ng malalang sakit sa baga o paghinga/respiratoryo (SARS).  

 


Ang mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng mataas na init sa katawan, pagkakasakit ng katawan, sore throat, malalang pagsipon at pagubo. Sa halos lahat ng kaso, tumatagal ito ng ilang araw bago mawala.




Dahil sa patuloy na pagkalat ng virus na ito ay napilitan ang bawat bansa na mag deklara ng ‘lockdown’ o pangkalahatang di paglabas sa ating mga tahanan. Marso 2020, ipinatupad ang malawakang lockdown sa Pilipinas para maagapan ang pagsirit ng COVID-19. Bunga ng lockdown ang pagkasara ng mga industriya, pagkawalan ng trabaho ng napakaraming mamayang Pilipino, at dito na rin nagsimulang sumadsad ang ekonomiya ng bansa.

 Epekto ng Pandemya sa Pilipino:

  •  Hanapbuhay

- Naapektuhan ang hanapbuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkawalan ng trabaho at matratrabaho. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III noong Agosto 2020, nasa 3.3 milyon at tumataas pa ang bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabahao sa gitna ng pandemyang dulot ng coronavirus disease (COVID-19). Dahil sa kawalan ng trabaho, maraming Pilipino ang naghihirap na makahanap ng pera para pambili ng mga bagay tulad ng pagkain, medisina, at iba pang bagay na napakaimportante sa buhay natin lalo na sa panahon ngayon ng pandemya. Kaya ang iba ay nag-aantay na lang at umaasa sa donasyon ng ibang tao at tulong ng ating gobyerno.












  • Edukasyon

- Dahil sa pagsirit ng mga naapektuhan ng Covid-19 napilitan na ihinto muna ang pag-aaral ng mga kabataan noong Marso, 2020. Dahil sa pagsara ng mga paaralan ay naging mahirap ito sa mga mag-aaral. Ang iba ay nakansela ang kanilang mga graduation ceremony dahil sa mga panahong iyon ay ipinagbawal narin ang pagkakaroon ng mass gathering para sa gayon ay makaiwas kahit papaano sa pagkalat ng Covid-19.

Pagkalipas ng mga ilang buwan ay opisyal na inanunsyo ni Department of Education Secretary Leonor Briones sa isang public briefing ang pagbubukas ng school year 2020-2021 noong Agosto 24, 2020. Ang pasukan na ito ay hindi na tulad nung nakasanayan natin sapagkat ito ay ibang iba na di tulad
nung dati kung saan face to face ang pag-aaral. Sa ngayon kase ay sa pamamagitan ng Modular Distace Learning Modality. Ang distance learning modality ay maaaring isagawa sa tatlong paraan, sa pamamagitan ng Modular Distance Learning (MDL), Online Distance Learning (ODL), at TV/Radio-Based Instruction.
Ang karanasan na ito ay naging mahirap sa ibang mga kabataan dahil ang iba ay walang sapat na pero pambili ng kagamitan para sa kanilang online class tulad ng cellphone, computer, tablet, at internet. Ang iba naman ay nahihirapan sa pag-intindi ng kanilang pagsusulit dahil ang ibang mag-aaral kase mas natututo sila pag ito ay tinatalakayan ng harap harapan. May iba’ibang uri kase ng mga mag-aaral, ito ay ang mga: Visual learner, Auditory learner, Verbal learner, Logical learner, Physical learner, Social learner, Intrapersonal learner, at Natural learner. Hanggang sa kasulukuyan ay patuloy parin isinasagawa ng Modular Distance Learning Modality.
  • Ekonomiya

- Noong 2020, pinadapa ng pandemya ang ekonomiya ng Pilipinas. Nagrehistro ito ng negatibong paglago para sa buong taon. Nasa -9.5 percent ang gross domestic product (GDP) para sa 2020 ang pinakamalala nang antas mula 1947 o pagkatapos ng World War 2. Ngunit noong 2021, lumago ang ekonomiya ng bansa ng 7.7% noong fourth quarter. Ayon kay National Statistician and Philippine Statistics Authority (PSA) undersecretary Dennis Mapa, umabot sa P19.387 trilyon ang halaga ng ekonomiya ng bansa nakaraang taon mula sa P17.939 trilyon noong 2020. Ngunit hindi pa ito nakaaahon mula sa epekto ng pandemya sapagkat mas mababa pa rin ang halaga ng ekonomiya ng P131 bilyon kung ikukumpara sa 2019 nang P19.519 trilyon ang halaga.


Ayon kay Socio-economic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, ang pagpapalit ng patakaran mula sa malawakang lockdown at tinututok na lamang ang restrictions sa mas maliliit na lugar o ang tinatawag nitong granular lockdown ay nakatulong ng malaki para ang ating ekonomiya ay tumaas.


Ang hanapbuhay, edukasyon, at ekonomiya ang pinakanaaeptuhan ng pandemya kaya ang buhay ng mga Pilipino ay naging mahirap noong nagkaroon ng pandemya sa ating bansa. Dahil dito maraming oportunidad ang nawalan at nasira. Kahit tayo’y hirap na hirap na ating isipin na kaya natin itong lampasan, tayo’y magtulungan at huwag maging matigas ang ulo dapat sundin ang mga ibibigay na patakaran ng ating pamahalaan dahil ang mga ginagawa nila ay para sa ating ikabubuti.

 

Comments