Nahaharap sa matinding krisis ang ekonomiya ng bansa, mataas ang mga presyo ng bilihin, maraming mamamayan ang walang hanapbuhay, at mababa ang namumuhunan sa bansa. Kung ikaw ay isang ekonomista, paano mo tutugunan ang ganitong kalagayan ng ekonomiya?
Ang ekonomiya ay ang mga aktibidad ng produksyon at pagkonsumo na nagpapasiya kung gaano kakulang ang mga mapagkukunan sa isang lugar. Kabilang dito ang lahat ng bagay na may kinalaman sa produksyon at pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo. May umiiral na ekonomiya upang masiyahan ang mga pangangailangan ng mga kalahok nito.
Maraming mga tanong tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas, isa na nga rito ay ang sanhi kung bakit ito bumabagsak? Ayon sa mga pag-aaral, bumabagsak ang ating ekonomiya dahil bumagsak rin ang ekonomiya ng ilang mga bansang konektado sa atin. Halimbawa, isa ang bansang Saudi Arabia sa mga may pinaka maraming Overseas Filipino Workers of (OFWs) sa buong mundo, kapag bumagsak ang ekonomiya ng Saudi Arabia apektado ang mga Pilipinas dahil isa sa mga epekto ng pagbagsak ng ekonomiya ay ang unemployment kasabay ng pagbagsak ng piso kontra dolyar, pagtaas ng bilihin at paglaganap ng kahirapan.
Masasabi rin na ilan sa mga dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas ay dahil sa mga internal issues ng bansa halimbawa nito ay ang korapsyon sa gobyerno, mga kaguluhan sanhi ng digmaan sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at ang Pamahalaan mga kalamidad at marami pang Iba.
Kung ako ay isang ekonomista, paano ko nga ba matutugunan ang ganitong kalagayan ng ekonomiya?
Bilang isang ekonomista ang magagawa ko upang matugunan ko ang mga kaganapan na nangyayari sa ekonomiya sa ating bansa ay dapat unang una ang bawat mamayanan ay magtutulungan at hindi naghihila pababa dahil tayo nalang ang makakatulong sa ating bansa upang ito ay umunlad, tanggalin natin ang pagkakaroon ng korapsyon sa gobyerno, bigyan natin ng mga hanapbuhay ang ating mga mamayan ng nawalan ng trabaho lalong lalo na ngayon pandemya, at wag natin pababayaan ang presyo ng mga producto dapat wag natin itong hayaan na tumaas at ng tumaas at panghuli bigyan natin ng pansin ang mga mahihirap atin silang tulungan at dalhin sa tamang landas ng buhay.
Comments
Post a Comment