Nahaharap sa matinding krisis ang ekonomiya ng bansa, mataas ang mga presyo ng bilihin, maraming mamamayan ang walang hanapbuhay, at mababa ang namumuhunan sa bansa. Kung ikaw ay isang ekonomista, paano mo tutugunan ang ganitong kalagayan ng ekonomiya? Ang ekonomiya ay ang mga aktibidad ng produksyon at pagkonsumo na nagpapasiya kung gaano kakulang ang mga mapagkukunan sa isang lugar. Kabilang dito ang lahat ng bagay na may kinalaman sa produksyon at pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo. May umiiral na ekonomiya upang masiyahan ang mga pangangailangan ng mga kalahok nito. Maraming mga tanong tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas , isa na nga rito ay ang sanhi kung bakit ito bumabagsak? Ayon sa mga pag-aaral, bumabagsak ang ating ekonomiya dahil bumagsak rin ang ekonomiya ng ilang mga bansang konektado sa atin. Halimbawa, isa ang bansang Saudi Arabia sa mga may pinaka maraming Overseas Filipino Workers of (OFWs) sa buong mundo, kapag bumagsak ang ekonomiy...